top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Laborer, binoga na, tinaga pa!

BULGAR
Sep 22, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 22, 2022


AKLAN—Patay ang isang laborer nang barilin at tagain ng kanyang pinsan kamakalawa sa Bgy. Cabugao, Altavas.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Dolphy Raquin, 40-anyos, samantalang ang suspek ay ang pinsan nito na si Ryan Tuberiadez, 36-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang magpinsan na humantong para barilin ng shotgun at tagain pa ng dala niyang itak ng suspek ang biktima.


Kaagad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearms and ammunitions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page