top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kumander ng BIFF at 7 pa, sumuko

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 29, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | July 29, 2020


MAGUINDANAO—Isang kumander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at pitong tauhan nito ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan.


Ang mga sumuko ay pinangunahan ni Kumander Ibrahim Guno ng BIFF na nakabase sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, isinuko rin ng grupo ni Kumander Guno ang mga dala nilang iba’t ibang uri ng armas, mga bala at pampasabog sa 57th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA).


Sinabi ni Kumander Guno na nais na nilang magbagong-buhay na kapiling ang kanilang mga pamilya kaya nagpasya silang sumuko sa pamahalaan.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong terorista para matiyak na bukal sa loob nila ang pagbabalik-loob sa gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page