Killer ng Bataan, tiklo sa Aklan
- BULGAR
- Jun 7, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 7, 2022
AKLAN–Isang wanted na killer sa Bataan ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Agbalogo, Makato.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Joelito Turing, 41-anyos at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong homicide sa Mariveles, Bataan.
Napag-alamang may nag-tip sa pulisya sa pinatataguan ni Turing kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments