Killer arestado sa checkpoint
- BULGAR
- Apr 25, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | April 25, 2022
ORIENTAL MINDORO – Isang killer ang nadakip ng mga awtoridad sa police checkpoint kamakalawa sa Bgy. Sto. Niño, Pinamalayan sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Lauro Vergara, 42-anyos nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, nahulihan ng isang baril na kalibre .45 pistola si Vergara sa police checkpoint at nang beripikahin ang pagkatao nito ay dito nabatid na suspek ito sa pagpatay sa mag-asawang Ronnie, 52-anyos at Marilou de Torres, 50, sa Batangas.
Nabatid na hindi naman nanlaban si Vergara nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing barangay.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments