Kelot tinodas ng 2 armado
@Balitang Probinsiya | May 19, 2022
CAMARINES SUR – Isang 24-anyos na binata ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. Patalunan, Ragay sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Jordan Abad, nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, nakahiga sa duyan si Abad nang sumulpot ang dalawang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay kay Abad.



Comments