Kelot tiklo sa buy-bust
- BULGAR
- May 28, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 28, 2022
ALBAY – Isang 28-anyos na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Calzada, Oas sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Chabby Caramoan, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nasabing barangay at dito nadakip ang drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong pakete ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments