top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kelot tepok, 3 sugatan sa kotse

BULGAR
May 17, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 17, 2022


AKLAN – Isang lalaki ang namatay at tatlo pa ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng isang kotse ang isang bisikleta at motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Pook, Kalibo sa lalawigang ito.


Ang nasawi ay ang lulan ng bisikleta na si Robert Mauge, samantalang ang mga sugalan ay ang mga sakay ng motorsiklo na sina Genebert Redo, Shela Mae Redo, Jezabel Francisco, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng kotse na minamaneho ni Rodney Henolan, 40-anyos kaya aksidenteng nabangga nito ang bisikleta at motorsiklong kinalululanan ng mga biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idinekarang dead-on-arrival si Mauge.


Kusang sumuko naman sa pulisya si Henolan na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injury and damage to property.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page