top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Kelot sugatan sa rambol

  • BULGAR
  • Oct 11, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | October 11, 2022


AKLAN—Sugatan ang isang lalaki sa naganap na rambulan kamakalawa ng dalawang grupo ng kalalakihan sa Bgy. Unidos, Nabas.


Nakilala ang biktimang nagtamo ng mga sugat sa katawan na si Edgar Alvarez, 29-anyos, samantalang ang mga suspek ay kinilala naman na sina Jerold Berondo at Kier Berondo, kapwa nasa hustong gulang at pawang nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, galing sa dance party ang grupo ni Edgar at grupo nina Jerold at Kier nang magkaroon ng pagtatalo hanggang sa magrambulan sa nasabing barangay.


Kaagad rumesponde ang pulisya at nadakip sina Jerold at Kier, samantalang dinala at ginagamot na sa ospital si Edgar.


Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na insidente ng rambulan sa naturang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page