Kelot sugatan sa katoma
- BULGAR
- Apr 27, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | April 27, 2022
AKLAN – Isang lalaki ang sugatan nang saksakin ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Andagao, Kalibo sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng saksak sa mukha ay nakilalang si Rodel Cuarez, 38-anyos, samantalang ang suspek ay kinilalang si Jessie Datuin, kapwa residente sa nasabing na barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman sina Cuarez at Datuin ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa kaya nagbasag ng bote ang suspek at agad sinaksak sa mukha ang biktima.
Nabatid na nakaresponde agad ang mga tauhan ng pulisya kaya nadakip si Datuin.
Sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa sa pagamutan ang biktima.



Comments