Kelot natagpuang patay sa ilog
@Balitang Probinsiya | October 17, 2022
CAVITE–Isang lalaki ang natagpuang patay kamakalawa habang nakalutang sa ilog na sakop ng bayan ng Tanza.
Kinilala ang biktima na si Jimmy Villa, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na bayan.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa nakalutang na bangkay ng biktima sa Bunga River sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, huling nakitang buhay umano ang biktima habang namimingwit sa ilog.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkamatay ng biktima.



Comments