Kelot nahulog sa balon, dedbol
- BULGAR

- Jul 27, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 27, 2020
ILOCOS NORTE—Isang lalaki ang namatay nang mahulog sa balon kamakalawa sa Bgy. Nagbacalan, Paoay.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Benros Cachero, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, hinanap ng kanyang kapatid si Benros para ayaing kumain, pero hindi niya agad ito nakita at sa paghahanap ay natagpuan ang biktima na nalutang sa balon na may tubig.
Kaagad humingi ng saklolo ang kapatid ni Benros kaya naiahon ito sa balon, pero nang dalhin sa ospital ay idineklarang dead-on-arrival ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung aksidenteng nahulog sa balon at nalunod o kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.



Comments