top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kelot kinatay sa party

BULGAR
May 31, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 31, 2022


AKLAN – Isang 22-anyos na binata ang namatay nang saksakin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa dance party sa Bgy. Agbawanan, Banga sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng isang tama ng saksak sa katawan na si Rey Retoriano, samantalang ang suspek ay si Melvin Rala, nasa hustong gulang, at kapwa residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang nasa dance party ay nagkaroon ng pagtatalo sina Retoriano at Rala kaya pinagsasaksak ng suspek ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima saka sumuko sa pulisya ang suspek.


Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page