Kelot dinedbol ng kaalitan
@Balitang Probinsiya | May 6, 2022
BATANGAS – Isang 20-anyos na binata ang namatay nang saksakin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. San Pedro, Sto. Tomas City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Jerico Platon, samantalang ang suspek ay si Gerald Estranero, nasa hustong gulang at kapwa nakatira sa naturang lungsod.
Matapos ang pananaksak ay nagtangkang tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.
Dinala naman ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments