Kelot, dedbol sa sunog
@Balitang Probinsiya | June 16, 2022
CEBU–Patay ang isang lalaki sa naganap na sunog kamakalawa sa Bgy. Punta Princesa, Cebu City.
Kinilala ang biktima na si Ebert Feniza, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakita umano ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa bahay ng nagngangalang Jocelyn Daniel at mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay.
Nabatid na hindi agad nakalabas sa kanilang bahay si Feniza kaya namatay ito sa naturang insidente.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog sa bahay ni Daniel.



Comments