top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kelot binoga ng mag-utol

BULGAR
Aug 31, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 31, 2022


ALBAY—Sugatan ang 31-anyos na lalaki nang barilin ng magkapatid na kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Cavasi, Ligao City.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jayson Pedres, nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nakikipag-inuman si Pedres sa kanyang kamag-anak ng sumulpot ang magkapatid na suspek na sina Leo at Salvador Bonde, kapwa nasa hustong gulang at agad binaril ng dalawang beses sa ulo ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril, samantalang agad dinala ng kanyang mga kamag-anak si Pedres sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pamamaril sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page