- BULGAR
Kelot, binoga ng kapitbahay
@Balitang Probinsiya | June 18, 2022
AKLAN–Isang lalaki ang nasa malubhang kalagayan nang barilin ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa katawan na si Renante Mongaya, 51-anyos, samantalang ang suspek naman ay si Chuby Igma, 57-anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nasa labas ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang suspek at agad binaril si Mongaya na tinamaan sa katawan.
Ginagamot na sa ospital si Mongaya, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya si Igma.