top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kawatan nasakote

BULGAR
Jul 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 27, 2022

PALAWAN—Isang magnanakaw ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Pulot Center, Sofronio Espanola.


Nakilala ang suspek na si Marius Verona, 37-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay,

Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek matapos itong ireklamo ng guest sa resort na kanyang pinagnakawan.


Ayon sa hindi pinangalanang biktima, lumabas lang siya sandali at pagpasok ulit niya sa inupahan niyang kuwarto ay nakita niya sa comfort room si Verona at dahil sa pagkabigla ay nakalabas ng room ang suspek.


Nang tingnan ng biktima ang kanyang bag ay nawawala ang kanyang cash na mahigit P13,000 kaya nagtungo siya sa pulisya at inireklamo ang suspek na agad namang nadakip.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page