Kagawad todas sa kuryente
@Balitang Probinsiya | August 25, 2022
CAMARINES SUR—Isang barangay kagawad ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Taisan, Sipocot.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Kagawad Elmer Abiada, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang inaayos ni Abiada ang electric fan na sira sa kanilang bahay ay napahawak sa live wire ang biktima kaya ito nakuryente.
Napag-alamang sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng kanyang mga kamag-anak si Abiada sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments