Kagawad sinaksak ng lasing
- BULGAR
- May 7, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 7, 2022
BATANGAS – Isang barangay kagawad ang sugatan nang saksakin ng isang lasing kamakalawa sa Bgy. Pook, Agoncillo sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan at ginagamot na sa ospital ay nakilalang si Kagawad Redentor Medrano, 47-anyos, samantalang ang suspek ay si Niel Alvarez, kapwa residente sa nasabing na barangay.
Ayon sa ulat, habang nakatayo si Medrano ay nilapitan ito ni Alvarez na lango sa alak at pagkaraan ay biglang pinagsasaksak ang biktima.
Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek.
Nagpalabas na ng manhunt operations ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments