Kagawad na pusher, tiklo
@Balitang Probinsiya | May 31, 2022
NORTH COTABATO – Isang kagawad na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. La Esperanza, Tulunan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Kagawad Renan Pragados, 36-anyos, at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, si Pragados ay nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa naturang lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng pitong pakete ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments