top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kagawad, dinedbol ng mga armado

BULGAR
Jun 25, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 25, 2022


MASBATE—Isang kagawad ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Obongan-Diot, Baleno.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Kagawad Romnick Drio, 33-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nasa loob ng kanilang bahay si Drio nang biglang pumasok ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na si Drio.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page