top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kagawad, 3 pa huli sa mahjong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 19, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 19, 2020



LA UNION—Apat katao, kabilang ang kagawad ang dinakip ng pulisya dahil sa illegal gambling nang mahuli sa aktong nagsusugal ng mahjong kamakalawa sa Bgy. Paratong Norte, Bangar.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng pulisya.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na may nagsusugal ng mahjong sa naturang barangay kaya agad nagsagawa ng pagsalakay ang pulisya at inaresto ang mga suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga mga mahjong paraphernalia at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page