top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

HVT sa droga tiklo sa drug-bust

BULGAR
Sep 14, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 14, 2022


AKLAN—Isang HVT (high value target) sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. New Buswang, Kalibo.


Nakilala ang suspek na si Robin Sijera, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na barangay.


Nabatid na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad ang suspek sa pagbebenta ng droga at kamakalawa lang ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga operatiba na dakpin ito sa drug-bust operation.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page