top of page

Horoscope | October 15, 2024 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 15, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 15, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 15, 2024  (Martes): Muli na namang darating ang araw, kung saan malaking gayuma ang hatid mo sa ibang tao. Gamitin mo ito para sa iyong pangarap, lalung-lalo na pagdating sa salapi. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - May mapapakinabangan ka sa pakikipagkaibigan. Kaya ‘wag kang mag-alala kung ang mga kaibigan mo ay parami nang parami. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-28-30-36-42.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka na parang hawak-hawak mo na ang mga bagay na gusto mo. Isa itong sikreto ng tagumpay na nagsasabing hindi ka mabibigo. Masuwerteng  kulay-beige. Tips sa lotto-6-16-20-25-27-33.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Ipagpaliban mo muna ang paghahanap ng bagong mamahalin. Mas maganda kung matuto ka munang maghintay kesa naman magdusa kang muli. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-15-27-36-45.

 

CANCER (June 21-July 22) - Ngayon ka humingi ng pabor sa mga taong tumanggi sa iyo noon. Sa katunayan, wala naman talaga silang magagawa ngayon kundi ang pagbigyan ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-13-19-28-31-35.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-ingat ka sa pagpapasya, dahil maaari kang mahulog sa isang patibong, na kung saan ay maaangkin ka ng mga taong hindi naman pala para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-21-30-33-38.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Isip ang paganahin mo at ‘wag ang iyong puso, dahil tiyak na hindi ka magkakamali kapag sinunod mo ang iyong isip. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-14-16-27-37.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Natutuwa ang langit sa ginagawa mong pagpapasya sa iyong kapwa. Kaya muling ibabalik ng langit ang mga suwerte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-19-25-31-39-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakagulat ang kapalaran ngayon. Dahil ang mga hindi mo inaasahang tao pa mismo ang tutulong sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-11-28-33-40-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hadlangan ka man ng iba at bumuhos man ang malakas na ulan, hindi ka pa rin nila mahahadlangan, dahil na rin ito sa pagiging desidido mong gawin ang laman ng iyong puso. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-22-30-35-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tatalunin ka ng iyong damdamin. Ito ang babala para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-29-31-41-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nasa mataas na antas ang iyong kagandahan. Marami ang nagnanasa na ikaw ay gawing bahagi ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-16-24-33-35-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong isara ang pintuan ng iyong kaligayahan. Ikunsidera mo rin ang pagkakaroon ng bagong karelasyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-20-27-30-33-37.



 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page