ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 30, 2024
Sa may kaarawan ngayong Mayo 30, 2024 (Huwebes): Itinalaga ka para mamahala at mamuno. Ito ang papel mo sa mundo, kaya hindi ka nababagay sa mabababang ranggo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iangat mo pa ang sarili mo sa mas mataas na antas. Huwag kang mag-alala dahil papabor din sa iyo ang mga pangyayari, kaya wala kang dapat ipag-alala at ipangamba. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-24-27-32-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag nahihirapan ka, baguhin mo agad ang iyong plano. Pero, kung wala ka pa namang plano, magplano ka na agad! Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-13-18-21-33-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Hayaan mo lang ang mga kontrabida. Sa katunayan, kakaawaan mo sila dahil hindi sila masaya sa kanilang buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-23-28-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Nakaharang ang ilang sagabal sa landas ng iyong buhay. Ngunit, hindi mo na kailangan pang paghirapan ang mga ito dahil ang langit na mismo ang mag-aalis sa iyo rito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-7-11-20-29-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong kakalimutan ang mga taong nakatulong sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-22-29-33-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malayo man o malapit ang mga suwerte ay mapapasaiyo pa rin. Hindi mo na kailangan pang umalis. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-17-25-31-41-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lahat ng maganda ay para sa iyo. Kaya kung sakaling pumangit man ang kalagayan mo, ang langit na mismo ang kikilos at gagawa ng paraan upang mabago ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-22-28-31-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magtanong ka! Magdagdag ka ng kaalaman. Ito ang magiging sikreto mo para magtagumpay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-18-27-30-33-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Gawin muna ang gusto mong gawin dahil ilalagay ka ng langit sa unahan at walang magagawa ang mga kalaban mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-22-31-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mag-utos ka at tiyak na masusunod ka. Sa pag-uutos, umasta kang ikaw ang boss. Ito ang simpleng pormula para sumaya ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-17-21-26-34-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maaaring hindi mo alam ngunit nadaragdagan ang mga taong gusto kang maging bahagi ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-13-22-28-33-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-20-25-34-40.
Comments