top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hired killer, todas sa shootout

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 11, 2020



LAGUNA—Isang hired killer ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Bautista, San Pablo City.


Kinilala ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Mario Liwag, miyembro ng “Paz Gun-For-Hire” Syndicate at nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya si Liwag, pero bigla silang pinagbabaril ng suspek.

Dahil dito, agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.


Nabatid na nakarekober ang mga awtoridad ng kalibre .38 revolver at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page