Search
  • BULGAR

Halal na opisyal na paborito ng mga netizen dahil mabait at matulungin...

Updated: Jul 5

Sumablay nang nasangkot sa ghost project na halos P100-M ang naibayad sa contractor pero waley naman nagawang proyekto, ayayay!

@Kabit-Kabitz | June 30, 2020



OLA chikaaa! Juskoday ang mga utaw parang nakawala sa hawla. Parang walang pandemya kung humada sa outside world. Traffic din kung saan-saan. Pero sa mga ayaw lumabas at shokot magkasakit, tambay na rito sa chismisan galore!

Sikretong Ina



Nagulantang ang mundo ng social media nang biglang ibinulgar ni SIKRETONG INA na meron na siyang junakis matapos ang ilang buwang pagtatago. Nag-fly-lalu siya sa ibang bansa at doon nanganak with her non-showbiz jowa. ‘Kaloka! Matagal nang usap-usapan na jontis si ate girl kaya naglahong parang bula.


#Blessed ang mag-jowa dahil sa dami nang nagbigay-suporta sa bagong chapter ng kanilang buhay. Pak na pak dahil sa pinagdaanan ni ate girl sa kanyang love life ay deserve niya ng true love. Ano kaya ang sey ng ex-jowa niya sa big reveal nito?


Mama’s boy



Ex-jowa ni SIKRETONG INA long time ago si MAMA’S BOY. Nagkakilala ang dalawa nang magkasama sila sa isang teleserye kung saan hindi sila ang bida. Char! Tulad ni SIKRETONG INA matagal ding nanahimik sa socmed si kyah at ang chika ay ipinasok diumano siya sa rehab. How true kaya itey?


May future ang aktor sa pag-arte, mana sa mga magulang na kapwa artista rin. Sana ay mabigyan ito ng second chance dahil sayang naman ang talent!

Muro Ami



Ang pudrakels ni MAMA’S BOY ay si MURO AMI na minsan’y sumubok sa pulitika pero palaging olats. Sumubok itong tumakbo bilang gobernador noon sa kanyang probinsiya ngunit luz valdez ito. Masyadong maraming isyu ang namesung niya lalo na sa pamilya nito.


Kilala siyang playboy na naging dahilan ng hiwalayan nila ng seksing misis.


Minsan din siyang nag-viral sa social media nang batiin niya sa video ang isang pulitiko, ngunit nawarla ang madlang pipol nang makita ang babaitang walang saplot ang biglang um-appear sa likod ng aktor. Wit knows hanggang ngayon ng mga tao kung sinetch ‘yun. Mabuti nalang ay malabo ang camera na ginamit kung hindi ay kawawa naman ang babaita. ‘Kaloka!

Sexy Ex-Wifey



Once upon a time ay mega inlababo sina MURO AMI at SEXY EX-WIFEY. Nabiyayaan sila ng tatlong magagandang anak. Mukhang hindi talaga kinaya ng ex-wife ang pagiging babaero ng mister kaya nag-alsa balutan ito kasama ang kanilang mga junakis.


Kabilang sa isang sikat na showbiz family si ateng na may bago nang jowa mula naman sa isang political clan. Papable talaga ang jowa niya na hiwalay din sa asawa. Mukhang happy talaga ang bagong couple sa kanilang love life at tanggap naman ng pamilya ng isa’t isa ang kanilang pagmamabutihang loob. Winner!

Alma Marina



Speaking of sister, sisteret ng jowa ni SEXY EX-WIFEY si ALMA MARINA. Naging matunog ang namesung niya noon dahil napabalitang sinulot nito ang jowa ng kanyang kaibigan. Palihim pala silang nagkikita ni boylet. Nang kinompronta siya ng jowa ng lalaki ay wala na itong nagawa kundi umamin at humingi ng tawad sa kaibigan.


Sa isang interview ay siyempre, mega-iwas siya sa isyu para hindi na madagdagan ang usapan. Namatay din ang isyu at mukhang happy na ang tatlo sa kani-kanilang buhay na hindi kabilang ang isa’t isa.

Mr. Dyahe Ang diskarte



Ang boylet na tinutukoy natin na na-link noon kay ALMA MARINA ay si MR. DYAHE ANG DISKARTE. Ikakasal na noon si boylet at ang kanyang jowa kaso nga ay nabuking ang relasyon ng dalawa. Siguro ay kating-kati ito noong jontis ang jowa at naghanap ng iba. Hays!


Ewan ko ba sa dalawang girlash na itey, akala mo naman mauubusan ng adan. Hindi rin naman kagwapuhan si kyah na talagang dyaheng-dyahe sa mga diskarte. Naging mayor siya at nang matapos ang kanyang termino ay na-appoint naman ito sa kanyang puwesto ngayon.

Ramon Hermogenes



Gobernador ngayon sa probinsiya kung saan dating naging mayor si MR. DYAHE ANG DISKARTE sa isa sa mga bayan nito si RAMON HERMOGENES. Matagal na rin sa pulitika si Gov. at ang nakakalokang ganap ay tinalo nito ang dating gobernador ng probinsiya na mula sa isang sikat na angkan sa pulitika at showbiz.


According sa mga constituents ay mabait at matulungin daw si Gov. kaya aprub sa kanila. Pero knows n’yo ba na minsan’y nadawit ang namesung niya sa isang ghost project kung saan binabayaran ng probinsiya ang isang contractor, ngunit wala namang proyektong nagawa? Sabi sa chika ay halos P100 million na ang nababayad sa contractor pero wit pa rin nasisimulang construction. Mukhang baluktot ang daang sinusundan niya, ha? Juskoday!

Ginoong Pogi



Naging maingay at kaaliw-aliw naman ang palitan ng sagot sa social media nina RAMON HERMOGENES at GINOONG POGI na magkalapit-probinsiya. Nagsimula ito nang hinarang si GINOONG POGI ng checkpoint papasok sa probinsiya ni RAMON HERMOGENES at hindi siya pinadaan. Nakakatuwa ang palitan ng salita ng dalawa na patok na patok sa mga netizens.


Kilalang kuwela ang mga post niya kahit noon pa man lalo na kapag nag-aanunsiyo ng walang pasok sa iskul. Bukod pa sa pagiging kuwela ay makalaglag-panty din sa kagwapuhan niya. Sana man lang ay nagtira ka ng kaunti para sa kuya mo na mukhang napag-iwanan ng panahon. Chos!

Enrico Hills



Kung kagwapuhan lang din naman ang labanan ay hindi papatinag si GINOONG POGI sa mga sikat na batang artista ngayon tulad ni ENRICO HILLS. Isa sa mga crush ng bayan ngayon si bagets. Perfect na sana si kyah kaso mukhang hindi nito kayang pigilan ang paglaki ng katawan. Medyo jumubis si ENRICO HILLS at ang balita natin ay binigyan daw ito ng sulat ng kanyang network at sinabihang magpapayat. Kung hindi raw tatama ang timbang nito ay hindi siya bibigyan ng trabaho. Ang harsh! Kaya rin siguro harsh din ang nangyayari sa network nito ngayon dahil sa mga ganitong patakaran. Beh, buti nga!

Dyosang Over sa Ganda



Napakasuwerte ni ENRICO HILLS sa kanyang on screen partner na si DYOSANG OVER SA GANDA dahil sila rin pala in real life. In fairness, hindi naman JackyLou ang relasyon ng dalawa at suwerte sila sa isa’t isa. Bagong endorser si ganda ng isang food truck business na naiipit sa malaking kontrobersiya dahil sa manyakis nitong mga owners.

Kumalat sa social media ang usapan ng mga may-ari ng kumpanya tungkol sa mga babaeng kinukuha nito bilang influencers. Waiting ang mga fans sa statement ng kanilang Dyosa kung ano’ng masasabi niya sa ganapchi katulad ni SIKRETONG INA na nakasama rin niya sa isang teleserye ay nagpasya muna itong manahimik pansamantala. Wake up ate girl, wake up!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.