Guro nilikida ng armado
- BULGAR
- Jun 3, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 3, 2022
MASBATE–Isang guro ang namatay nang barilin ng armadong lalaki kamakalawa sa Bry. Malinta, Masbate City.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Rolly Garbo, nasa hustong gulang at guro sa isang pampublikong paaralan sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Garbo nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.



Comments