Ginang kinatay ng kapitbahay
- BULGAR

- Aug 8, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 8, 2020
QUEZON—Isang ginang ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Ilayang Tayuman, San Francisco.
Kinilala ang biktima na si Susan Regencia, samantalang ang suspek ay si Jodofredo Adigue, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Batay sa imbestigasyon, naglalakad si Susan, kasama ang kanyang mister na si Lemuel nang sumulpot ang suspek at agad pinagsasaksak ang biktima.
Napag-alamang tinangka din saksakin ni Adigue si Lemuel, pero nakatakbo ito at humingi ng saklolo sa barangay hall.
Nang rumesponde ang mga barangay tanod ay natagpuang patay na si Susan at nakatakas na ang suspek.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments