Fish vendor tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | April 26, 2022
SORSOGON – Isang fish vendor na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Sirangan, Sorsogon City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Levi Jamisola, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments