top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Fish vendor nabiktima ng 'salisi gang'

BULGAR
Oct 3, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 3, 2022


AKLAN—Isang fish vendor ang natangayan ng P20,000 cash at tatlong cellphone matapos mabiktima kamakalawa ng "Salisi Gang" sa palengke ng bayan ng Kalibo.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Nora Nenolia, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa biktima, isang grupo umano ng kababaihan at kalalakihan ang nagkunwaring bibili sa mga paninda niyang isda, at nang umalis ang mga ito ay doon niya napuna na nawawala na ang kanyang bag na naglalaman ng naturang halaga at tatlong cellphone.


Sinikap ng biktima na hanapin ang mga suspek, pero hindi na niya nakita ang mga miyembro ng "Salisi Gang."


Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page