top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ex-chairman tinodas ng kelot

BULGAR
Aug 1, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 1, 2022


QUEZON—Isang 63-anyos na dating barangay chairman namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Pahinga Norte Candelaria.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Eduardo Raymundo, residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nakatayo si Raymundo sa pinagagawa niyang eatery nang sumulpot ang salarin at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page