top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ex-Chairman dinedbol ng riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 9, 2022


AKLAN—Isang dating barangay chairman ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Bagacay, Ibajay.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si ex-Chairman Melvin Cabales, nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Cabales ang kanyang motorsiklo at nakaangkas ang kanyang misis at dalawang anak nang sumulpot ang dalawang salarin na lulan din ng motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page