- BULGAR
Estudyante sugatan sa bangga ng kotse
@Balitang Probinsiya | September 8, 2022
AKLAN—Isang 17-anyos na estudyante ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng kotse kamakalawa sa bayan ng Banga.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Andliah Joy Guarino, residente ng Bgy. Cortez, Balete sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang tumatawid sa kalsada si Guarino ay aksidente itong nabangga ng kotse na minamaneho ng hindi pinangalanang driver.
Napag-alamang nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan ang biktima at kasalukuyan na siyang ginagamot sa ospital.
Kusa namang sumuko sa pulisya ang driver ng kotse at nangako ito na sasagutin ang lahat ng gastusin sa ospital at danyos sa biktima.