Estudyante, natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | July 1, 2022
ILOCOS NORTE—Natagpuang patay ang 22-anyos na estudyante kamakalawa sa baybaying-dagat na sakop ng Bgy. Pancian, Pagudpod.
Ang biktima ay kinilalang si Kyle Izon, estudyante ng Mariano Marcos State University at nakatira sa Bgy. Colo, Batac City sa nasabing lalawigan.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa baybaying dagat ng naturang barangay.
Kaagad ipinagbigay-alam ng mga residente sa pulisya ang tungkol sa pagkakatagpo niya sa bangkay ng biktima.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman kung namatay sa lunod o may foul play sa pagkamatay ng biktima.



Comments