Estudyante nalunod sa pool, dedo
@Balitang Probinsiya | May 31, 2022
ISABELA – Isang 19-anyos na estudyante ang namatay nang malunod habang naliligo sa improvised swimming pool kamakalawa sa Bgy. Faustino, Cauayan City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Joseph dela Rosa, residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, huling nakitang buhay si Dela Rosa habang naliligo sa improvised swimming pool hanggang sa hindi na ito lumutang.
Agad sumaklolo ang mga residente at iniahon sa pool ang biktima saka dinala sa pagamutan pero idineklara itong dead-on-arrival.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung nalunod o kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.



Comments