Erpat na nanggahasa ng anak, timbog
- BULGAR

- Aug 13, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 13, 2020
BAGUIO CITY—Inaresto ng pulisya ang isang ama na nanggahasa umano ng kanyang anak na dalagita kamakalawa.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng pulisya.
Ayon sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang “Lily”, mula nang magtrabaho sa ibang bansa ang kanyang ina ay madalas na siyang gahasain ng kanyang ama at ang huling panggagahasa ay naganap nitong nakalipas na Hulyo sa kanilang bahay.
Dahil hindi na masikmura ng biktima ang panghahalay ng kanyang ama ay nagreklamo na siya sa pulisya kaya inaresto ng mga awtoridad ang suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong kasong rape at child abuse.



Comments