top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Erpat na gumahasa sa paslit na anak tiklo

BULGAR
Sep 11, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 11, 2022


QUEZON—Isang ama na gumahasa sa kanyang paslit na anak ang nadakip kamakalawa ng pulisya sa Bgy. Nacpac, Catanauan.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Melvin Adormeo, 35-anyos, pansamantalang residente sa nabanggit na barangay.,


Napag-alamang inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa panggagahasa nito sa kanyang babaeng anak na paslit nuong March 27, 2022.


Kusa namang sumama sa pulisya at hindi nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.

Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page