top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Empleyado, todas sa ambush

BULGAR
Jun 22, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 22, 2022


MAGUINDANAO–Isang empleyado ang namatay at sugatan ang kasama nito sa pang-a-ambush na ginawa sa kanila ng mga hindi kilalang salarin kamakalawa sa national highway ng Datu Saudi Ampatuan.


Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Muslimin Behemino, samantalang ang sugatan ay itinago ng pulisya sa alyas na Alinor, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa Cotabato City.


Ayon sa ulat, habang lulan ng SUV (sports utility vehicle) sina Behemino at “Alinor” ay sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Behemino.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga salarin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page