Search
  • BULGAR

Empleyado ng munisipyo, tiklo sa shabu

@Balitang Probinsiya | June 23, 2020



CAGAYAN—Isang empleyado ng munisipyo ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Leron, Buguey.

Kinilala ang suspek na si Rowel Ligsay, nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, may nakuhang impormasyon ang mga awtoridad na may shabu sa bahay ni Ligsay kaya agad itong sinalakay ng pulisya at dito nakumpiska ang ilang gramo ng shabu at drug paraphernalia.

Kusa namang sumama sa pulisya at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa loob ng kanyang bahay.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.