Empleyado, natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | July 30, 2022
QUEZON—Isang empleyado ang natagpuang patay kamakalawa sa Bgy. Pansoy, San Andres.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Raffy Gardon, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, isang kamag-anak ni Gardon ang nakarinig ng dalawang putok ng baril at nang lumabas siya ng kanilang bahay ay natagpuan niya sa labas ang biktima na may tama ng bala.
Kaagad ini-report ng mga kamag-anak sa pulisya ang naganap na krimen.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo sa pamamaslang sa biktima.



Comments