top of page
Search
  • BULGAR

Drug trafficker, timbog

@Balitang Probinsiya | July 13, 2022


CEBU—Isang drug trafficker ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. San Roque, Cebu City.


Ang suspek ay kinilalang si Jake Jayme, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, si Jayme ay nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa naturang lugar.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page