top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Driver ng ambulansya, dedo sa heart attack

BULGAR
Aug 23, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 23, 2022


BILIRAN—Patay ang isang driver nang atakehin sa puso habang nagmamaneho ng ambulansya kamakalawa sa Bgy. Calumpang, Naval.


Ang nasawi ay nakilalang si Roderick Cesora, 55-anyos, driver ng Caibiran Municipal Rural Health Office, at residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, aksidente umanong nabangga ng minamanehong ambulansya ni Cesora ang dalawang motorsiklong nakaparada sa nasabing barangay.


Sinabi ng mga saksi na nagtaka sila kung bakit hindi bumaba ng ambulansya si Cesora para tingnan ang nabangga niyang dalawang motorsiklo at nang tingnan ng mga residente ang driver seat ay dito nila nakita na nakasubsob sa manibela ang ambulance driver.


Kaagad dinala ng mga residente si Cesora sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival at ayon sa mga doktor ay inatake sa puso ang driver habang nagmamaneho.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page