Driver at bagets, niratrat
- BULGAR
- Jun 21, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 21, 2022
ALBAY–Isang tricycle driver at isang binatilyo ang sugatan nang barilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa bayan ng Libon.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na sina Eugene Atienza, 27-anyos at isang alyas Totoy, 15-anyos, kapwa residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nakasakay sa tricycle sina Atienza at “Totoy” nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang dalawang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pamamaril sa dalawang biktima.



Comments