top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dalagitang anak ginahasa ng erpat

BULGAR
Sep 1, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 1, 2022


BATANGAS—Isang ama na gumahasa sa kanyang sa anak na 15-anyos na dalagita ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Batangas City.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga tauhan ng pulisya.


Sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang "Sonya," madalas umano siyang gahasain ng kanyang ama sa loob ng kanilang bahay habang wala ang kanyang ina.


Dahil hindi na masikmura ng biktima ang panghahalay sa kanya ay inireklamo niya ang suspek na agad namang dinakip ng pulisya.


Nahaharap ang suspek sa kasong rape at child abuse.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page