Construction worker kritikal sa kuryente
@Balitang Probinsiya | September 6, 2022
AKLAN—Isang construction worker ang kritikal at nasa malubhang kalagayan nang makuryente kamakalawa sa Boracay Island, Malay.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jeryl Solibio, 37-anyos, residente ng Bgy. Laserna, Nabas sa lalawigang ito.
Ayon sa ulat, habang may ginagawa sa construction site si Solibio ay napahawak sa live wire ang biktima kaya ito nakuryente.
Napag-alamang sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng kanyang mga kasamahan sa trabaho si Solibio sa ospital at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa ito sa pagamutan.



Comments