- BULGAR
Chairman tinodas ng 2 armado
@Balitang Probinsiya | June 27, 2022
BUTUAN CITY--Isang barangay chairman ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Sto. Nino.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Chairman Florencio Cagas, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nakatayo si Cagas sa tapat ng tindahan nang sumulpot ang dalawang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay kay Cagas.