top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

CAFGU arestado sa shabu

  • BULGAR
  • Jul 29, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | July 29, 2022

NORTH COTABATO—Isang miyembro ng CAFGU (Citizens Armed Forces Geographical Unit) ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Banucagon, Pigcawayan.


Kinilala ang suspek na Fahad Zacaria, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, may nakuhang impormasyon ang pulisya na may dalang shabu ang suspek kaya pinara ang sinasakyan nitong motorsiklo at nang kapkapan ay nakumpiskahan ito ng dalawang sachets ng shabu.


Nabatid na bukod sa shabu ay nakumpiskahan din ang suspek ng walang lisensyang baril at mga bala.


Hindi nanlaban ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page