Buntis dedbol sa hit and run
@Balitang Probinsiya | September 14, 2022
SULTAN KUDARAT—Isang buntis ang namatay at sugatan naman ang rider nang ma-hit and run ng kotse ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa national highway ng Tacurong City.
Kinilala ang nasawi na si Kris Liane Maligmat, samantalang nakilalang lang sa pangalang "Emem" ang kasama nitong nagmamaneho ng motorsiklo.
Ayon sa imbestigasyon, mabilis ang takbo ng kotse na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng mga biktima.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklara dead-on-arrival si Maligmat.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang driver ng kotse na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury at damage to property.



Comments