top of page

Bumabaha na naman ng droga, tsk!

  • BULGAR
  • May 30, 2022
  • 1 min read

@Editorial | May 30, 2022


Kapansin-pansin na talamak na naman ang ilegal na droga.


Halos araw-araw ay milyones ang halagang nasasabat. Isipin na lang natin paano kung nakalusot ang bultu-bultong shabu, ilang buhay na naman ang mawawasak.


Kaugnay nito, nangako naman ang kapulisan na pananatilihin ang agresibong giyera sa droga.


Ito ay sa gitna ng pag-aalala na uurong ang anti-illegal drugs operations sa nalalapit na pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Pinaalalahanan na umano ang mga police commander sa buong bansa na ipagpatuloy ang agresibong kampanya laban sa ilegal na droga.


Bumuo na rin umano ng bagong istratehiya kung paano mapapanatili ang tagumpay ng administrasyon sa usapin ng kampanya sa ilegal na droga.


Tama rin na ang mga agresibong operasyon at pagpapatupad ng batas ay suportado ng agresibong information drive at kampanyang pang-edukasyon sa mga estudyante, na kadalasang target na customer ng mga sindikato ng ilegal na droga.


Habang pinipigilan ang pagkalat ng droga, dapat ding pagtuunan ang rehabilitasyon at reintegrasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page